Pinoy Poets

SUPPORTING TULANG PINOY & PINOY VERSES

Archive for June, 2010

Ba(lag)tas Ng Tula

Ba(lag)tas Ng Tula

 Mabini, Rizal, at Del Pilar meeting

Rio Alma

Lumalandi ang Langit

Sa ganitong panahon,
madalas magkuyom
ang langit, di masawata

saliw ng lamig

sa bundok umaligid
tinig ng laot
ihip kay halumigmig

Share

sinilaw ang bulalakaw

inagaw ang liwanag
dagling sumilay
araw na tumatambad

Share this

hulog ng langit

puminatak sa lupa
sahig ay tigang
sa ulang tumutudla

Share

himig ng tagbikan

sa dahon tuminitig
dinig ang hapon
sa huni ng kuliglig

pagsapit ng takipsilim

duminapo ang hamog
ugoy ng hapon
sa dahong papatulog

Share

di pansin ang hangin

hinampas ng habagat
bangkang tulala
sa lawa lumalayag

Share this

sumasakay sa bantay

gamu-gamong matakaw
sabay sa kumpol
pulot ay ninanakaw

Share this

indakang walang preno

humataw pasa-todo
bitin sa araw
sayaw ng dalo-dalo

Share this