Pinoy Poets

SUPPORTING TULANG PINOY & PINOY VERSES

Archive for June, 2010

hagupit ng langit

sa unos luminayag
basag na alon
sa hangin ng habagat

hinahaplit ng tagbik

dumagundong ang kulog
tangay ng alon
namamangka sa laot

Share

limbas ng dagat

bumulusok na lawin
naninila pa
ang isdang dadagitin

Share this

Hulagpos Sa Unos (Sa Bintana ng Bangka sa Lawa)

 
Ngayo’y nasa laot kami’y naglalayag
May haplit ang sungit

sa laot ng calaguas

nang magsipagliparan
ang isdang siliw
likha ay laksang kulay

Share

binasag ang tahimik

gilid ng kabundukan
pinid sa ulap
buminagsak na ulan

Share

sa baha ng sapa

tuminagbang ang agos
handa’y salapang
sa umaahong palos

Share this

sa kamay ng sanay

ihinasik ang palay
gilid ng bundok
huminilab sa punlay

Share

dalit ng tagbik

paggising ng habagat
dagat humimlay
sa along nakalatag

Share this

tigang ang bundok

sa ulang natutunaw
uhaw na ulap
umakyat ng banahaw

Share